On people na nagsasabing nagsasayang lang ako ng pera sa kaka-travel… uhm. Okay lang bang, para sa akin kasi, pagi-invest yun sa sarili? Or katulad ng lagi kong sinasabi, pag-iipon yun ng mga kwento hanggang sa mga magiging apo mo, o kahit sa mga future na makikilala mong tao from different walks of life.
Actually hindi ko rin kayang ipaliwanag pero I see it as parang having a day with yourself without anything that puts pressure on you. Kumbaga walang distractions, pwede kang magpakatotoo and stuff. Walang nakatingin kaya pwede mong gawin kahit ano, pwede mo ring piliin kahit anong prefer mo nang walang judgment ng kahit sino, kaya din siguro madalas prefer kong gumayak mag-isa?
Bonus na lang din siguro yung mga tao na napapalapit sayo kasi gusto din nilang ma-experience yung mga shinare mo or maki-share din ng experience sa same na activity na ginawa mo, tendency itatanong ka nila. So magiging close kayo, edi plus one na yon sa mga taong nakikilala mo talaga as a tao. Lumapit kasi siya sayo hindi as someone na may kailangan na kung ano, kundi para magpa-share ng POV mo.
Idagdag na natin yung unexpected instances na ililibre ka, kasi gusto lang niyang magpakwento. Hahahaha. Nakakatawa ikwento pero it happens. Lalo na pag may mga taong natutuwa sa mga photos na shine-share mo sa social media. Ako pa man din itong mas weird at kakaiba na subject, mas ganado akong mag-picture.
Higit sa lahat, at the end of the day, makikita mong ang lawak pala talaga ng mundo. Pag feeling mo nada-down ka, iisipin mo lang na there is more to this time, place, and situation.
Sobrang lawak ng mundo out there, kapag may maliit na problema, dapat hindi agad-agad bumibigay. There’s more to life sa magulo mong pamilya, work na kung anu-anong ganap, physical health na di mo alam kung hanggang saan at kailan lang ang limit, o yang love life na di mo ma-gets sa ngayon (kasi ang daming choices, loljk).
Been through the lowest of lows kahit gaganto-ganto lang yung datingan ko. Wahahahaha. At isa sa malaking part ng positive na outlook ko sa buhay eh ang pagpunta sa kung saan-saan.
Regardless kung napuntahan via plane, boat, barko, o via land. Lahat, parating may bago. Parang paguwi, oo pagod pero may mga natutunan at memories na walang kahit sinong makakakuha galing sayo.
So deadline na pala ng submission ng new ID picture kasi nagpalit ng logo…
*searches for pader with ilaw*
*removes jacket*
[walang mapatungan] *ipits jacket to legs*
*smiles*
*asks Klee to take a photo of me*
Done. HAHAHAHAHAHAHAHHA 😂😂
Nope, I am not weak. It hurts but hey I am perfectly fine.
I am a healthy person, repeat after me 👌
Paulo Coelho (via psych-facts)